Halos isang milyong libro, ibinahagi ng Lampara Books sa DepEd bilang pagtugon sa Krisis sa Pagbasa ng Pilipinas
- Lampara Books
- Jul 10
- 2 min read

Sa inilunsad na partnership event noong ika-9 ng Hunyo, 2026 sa Taytay Elementary School, ibinahagi ng Lampara Books ng halos isang milyong libro sa Department of Education o DepEd, bilang parte na kanilang adbokasiya para sa patuloy na pagtataguyod at pagpapaunlad ng literasi sa mga mag-aaral.
Ang donasyon ay isang collaborative effort kasama ang DepEd upang matugunan ang lumalaking krisis sa pagbasa sa Pilipinas. Layon nitong palawakin ang access ng mga libro sa mga paaralan, mga guro, mga magulang, at mga estudyante sa buong bansa.
Kasama ng Lampara Books ang iba pang mga publishing companies, kagaya ng Canvas, Adarna House, Rex Education, at The Asia Foundation, na patuloy na nagkakaisa sa pagsuporta sa mga programa ng DepEd upang paunlarin ang kakayahang pagbasa ng mga batang Pilipino.
Ang inisyatibong ito ay nakaayon sa adbokasiya ng Lampara Books na lumikha ng mga materyales sa pagbasa na accessible sa lahat ng batang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halos isang milyong libro, naipagpapatuloy ng Lampara Books ang aktibong papel nito sa pagsuporta sa pagsisikap ng bansa na matugunan ang learning loss ng mga bata at mapaunlad ang kultura ng pagbabasa.
Ang donasyon ay nagbigay din sa mga guro, mga magulang, at mga mag-aaral ng mga mahahalagang resources na hinihikayat ang pagbabasa sa loob at labas ng silid-aralan. Sa donasyong ito, mas napapalapit din ang mga libro sa mga batang mambabasa, kung saan ito pinaka-kailangan.
Sa patuloy na pagtugon ng bansa sa mga hamon ng pag-aaral at pagbasa, ang Lampara Books ay nananatiling nakatuon sa pagbuo at pamamahagi ng mga librong nagtuturo, nagbibigay inspirasyon, at nagpapalinang ng pagmamahal sa pagbasa sa mga batang Pilipino.
LAMPARA BOOKS Para sa mas matalino na mga Batang Pilipino!
Sulat ni Gary Ann Lastrilla
Salin sa Filipino ni Bea Nicole Aguilan



Comments