top of page
Search

Bestselling Author-Educator Vic Villanueva, Ipinakita ang Practical Reading Remediation Strategies noong MIBF 2026

Sep 25
2 min read

Ano ang gagawin ng mga guro kung kayang tandaan ng bata ang mga letra at tunog, ngunit nahihirapan pa rin sa pagbasa at pag-intindi ng isang kuwento?


Ang reading specialist at educator na si Victor A. Villanueva, na mas kilala bilang si Teacher Vic, ay tinalakay ang hamon na ito sa “From Sounds to Stories: Reading Remediation through Phonics, Comprehension, and Children’s Literature,” isang special learning session ng Lampara Books sa Manila International Book Fair (MIBF) noong ika-10 ng Setyembre sa SMX Convention Center, Pasay City.


Ang session ay nakatuon sa one-on-one reading remediation ng Key Stage 1 learners, kung saan ipinapakita sa mga guro kung paanong ang foundational reading skills ay maaaring umunlad paunti-unti sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga tunog at mga salita hanggang sa pagtuturo at pag-unawa ng mga kuwento.


Pinalawak ni Villanueva ang kaniyang presentasyon noong 2nd International Literacy Conference sa nasabing session, kung saan kaniyang tinalakay ang reading remediation sa pamamagitan ng palatinigan, komprehensiyon, at kuwentong pambata. Noong MIBF, ang kaniyang diskusyon ay dumako sa praktikal na aplikasyon ng nasabing mga reading remediation. 


Nagkaroon din ng talakayan at demonstrasyon kung paano nagagamit ang Lampara reading packages, mga kuwentong pambata, graphic novels, at ang scarborough’s reading rope sa pagtuturo ng pagbasa sa mga bata, na tinalakay ng guest speaker ng session na si Rizalina Labanda, ang Vice President for Teaching and Research ng Association of FIl-Am Teachers of America, Inc. 


Ang session ay nakaayon sa mga gawa ni Villanueva bilang reading specialist at educator. Sa pamamagitan ng Center for Reading Assessment and Intervention, nagagawa niyang masuri at masuportahan ang mga batang nahihirapang magbasa at nakikipagtulungan kasama ng iba pang mga educators sa reading assessment, intervention, instructional approaches, at material development.


Para kay Villanueva, ang layunin ng reading intervention ay hindi lamang upang matulungan ang mga bata sa kanilang indibidwal na mga reading exercises, kundi para tulungan din silang maging bihasang mambabasa.



Sulat ni Gary Ann Lastrilla

Isinalin sa Filipino ni Bea Nicole Aguilan


 
 
 

Comments


bottom of page