TITLE: Wedding Girls Series 3: Geraldine (The Cake Architect)
AUTHOR: Jasmine Esperanza
BOOK CODE: WGS00003
PAGES: 128
CATCHLINE: “Kung hindi mo ako nabunggo at muntik nang mabuhusan ng kape, I woudn’t know you existed. I wouldn’t have met you. And I woudn’t have fallen in love this way.”
Dahil sa kakakulit ng pamilya ni Geraldine na mag-asawa na raw siya ay napilitan siyang magsinungaling sa mga ito. Sinabi niyang may fiancé na siya at ang pangalan nito ay Matthew Beltran. Hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang iyon dahil nabasa lang niya iyon sa isang resibo ng nagpagawa ng cake sa kanya. Sinabi niya ang magagandang katangian ng lalaki na hinabi lang niya sa kanyang isip—handsome, rich, caring, loving, at kung anu-ano pang magagandang katangian.
Hanggang sa may nakabangga siyang isang napakaguwapong lalaki. Na-shock siya nang malaman ang pangalan nito—Matthew Beltran. At sa pagdaan ng mga araw, ang mga katangiang gawa-gawa lamang niya sa kanyang isip ay nakikita niya rito.
But was he also loving? She wished he were dahil nai-in love na siya rito. Ang problema, type din kaya siya ni Matthew?