“Please accept this rocker’s heart. It’s not made of stone, but of love beyond control.”
Sinta was an ordinary-looking girl. Pagbobote at pagbebenta ng kandila at bulaklak sa simbahan ang ikinabubuhay niya at ng kanyang kapatid. Akala niya ay tatanda siya at mamamatay na ganoon lang ang mararating. Ngunit nakatakda palang magbago ang kanyang buhay nang isang gabi ay may lalaking nag-aagaw-buhay na tinulungan niyang madala sa ospital. Hindi naman kasi niya inakalang si Rigo Serano pala ang tinulungan niya!
Rigo was the short-tempered vocalist of the famous rock band The Mortals. Kilala si Rigo sa pagkakaroon ng bad boy image. But women loved him for that.
Sabi ni Rigo, marunong daw itong magbayad ng utang kaya kaagad nitong inalok si Sinta ng bahay at may bonus pang halik!
Bongga! Bahay talaga? Bakit kaya hindi na lang unli halik ang ibayad ni Rigo sa kanya? Mas gusto iyon ng luka-lukang siya!