Ang Bangkang Tutong (Kuwentong-Bayan ng mga Isneg)
Naghugis-bangka ang tutong ng sinaing nina Ibon at Daga. Ginamit nila ang bangka papunta sa dulo ng ilog.
Ngunit nagutom si Daga at nagsimulang ngatngatin ang bangkang tutong.
Kung pinakinggan ni Daga ang pakiusap ni Ibon na huwag kainin ang bangka, sana ay magkakaibigan pa rin hanggang ngayon ang mga daga at ibon.