“Ang nasa isip ko dati ay magpapakasal lang ako sa lalaking mapapakisamahan ko. `Yong compatible kami. Tutal, nade-develop naman ang pag-ibig, `di ba? But with you, parang mas madaling magdesisyon na magpakasal. You’re right. Love should be the very first reason in getting married. I love you.”
Madalas ay nakatitig si Andie sa kabilang bahay. Kung mansiyon ang turing niya sa bahay na pinagbabakasyunan, mas mansiyon ang bahay sa kabila. Naalala niya ang kuwento tungkol kay Jesse, ang may-ari ng bahay. One of the most sought-after bachelors daw ang lalaki. Ang angkan daw nito ay isa sa pinakamayaman sa Baguio.
And so? tahimik na reaksiyon niya na may kasama pang pagtaas ng kilay. Bakasyunista siya. Hindi siya naghahanap ng lalaki.
He was rich. At hindi lang ito basta guwapo. He had the face, the stance, the personality. Kahit suplado, parang nakakadagdag pa iyon sa karisma ni Jesse. He definitely had the elements to be tagged as one of the most sought-after bachelors in the city.
And so again? Bakit ba ang lalaking iyon ang iniisip niya? Kunsabagay, attractive naman talaga si Jesse.
“But I’m not attracted to him,” sabi niya sa sarili.
Yeah, hindi ka nga attracted, Andie. Kaya nga ganoon na lang kung makatitig ka sa katawan niya. Ano na nga iyong naisip mo kanina? He’s sexy.