“Inaakit kita pero mukhang hindi ka naman naaapektuhan. Kahit ang six-pack abs ko, no pansin sa `yo. Eh, nagpa-macho lang naman ako para mapansin mo.”
Five handsome men. One epic rock band. The Mortals was the most popular band in the country. Everybody loved and idolized them. Sa lahat ng sulok ng Pilipinas ay bukambibig sila. Wala yatang Pinoy ang hindi nakakakilala sa limang miyembro ng banda.
Hindi naiiba ang kaso ni Lala sa karamihan. Well, mas seryoso pa nga ang sitwasyon niya. Dahil si Lala ay in love—as in truly, madly, deeply in love sa lead guitarist ng The Mortals na si Geron Antonio Araneta. Kung tutuusin ay may edge siya sa ibang babae na nangangarap na mapansin ng binata dahil malapit siya sa buong banda. She was the lyricist of the band and she constantly worked with Geron dahil ito ang naglalapat ng musika sa mga lyrics na isinusulat niya. Meron din silang nakaraan ng binata—iyon nga lang—isang makadurog-puso at lungs na uri ng nakaraan. Kasi, once upon a time, Geron rejected her love confession. Sawi ang beauty niya noon pa mang nene’t totoy pa lang sila.
Hinanda na ni Lala ang sarili na tatandang dalaga na siya. That’s when she met the blue-eyed Russian man named Sasha. Kaagad na nagpakita ng interes sa kanya ang foreigner. He made her feel special and desirable na matagal-tagal na rin niyang nakalimutan kung ano ang feeling. May chance sana na bumigay siya sa lalaki kung hindi lang…
Biglang umeksena si Geron! At tila ba selos na selos ito kapag magkasama sila ni Sasha. Juice colored! Maniniwala na ba siya sa himala?