They say first loves are meant t be heartbreaking. But I didn’t expect it to be that painful.
Ang gusto lang naman ni Jazz ay makakuha ng isang souvenir mula kay Bona, ang kanyang first love na nag-inspire sa kanya para maging papable “Oppa.” Bona was a half Korean and his best friend who left him without saying good-bye. Ang gusto lang naman ni Jazz, mag-reminisce ng bitter sweet memories; iyong panahong pangit pa siya at si Bona lang ang nagbibigay inspirasyon sa kanya.
Kaya nang makita ni Jazz ang isang neon-colored shirt na ipinamudmod ni Bona noon ay daig pa niya ang nakakita ng isang limited edition na K-pop album. He needed to have it, kahit magbayad pa siya nang mahal!
At naningil nga nang mahal ang may-ari ng T-shirt, si Ruca. For ten thousand pesos ay mapapasakanya ang pinakaaasam na remembrance. Jazz paid, but Ruca didn’t deliver and was suddenly missing.
And so Jazz did everything to find Ruca.
Hindi niya ginagawa iyon dahil concerned siya sa babae; at lalong hindi niya ginagawa iyon dahil gusto niya itong sundan sa kung saang lupalop. He only wanted the shirt.
Kaunti na lang, mapapaniwala na ni Jazz ang kanyang sarili.