“Alam ko, ramdam ko, mahal kita.”
Sa maling dahilan kaya nagpakasal ang magkaibigang sina Violet at Arven. Pero si Violet lang ang masaya sa pagsasama, palibhasa ay matagal na niyang mahal ang kaibigan. Samantalang si Arven ay miserable ang pakiramdam. Umabot pa sa puntong nambabae ito. But Violet was willing to do anything to keep her man. She would never give him up.
Pero unti-unti nang bumibitaw si Arven, hanggang sa magdesisyon itong ipa-annul ang kanilang kasal. “Let me go. For your own sanity as well, let me go. If not, we will both live in misery.”
Violet thought she was losing the battle. Pero biglang nasangkot sa isang vehicular accident si Arven at nagka-amnesia. Kasama nitong nakalimutan ang planong pakikipaghiwalay. Nakalimutan din ni Arven na namumuhi ito sa kanya at ayaw na siyang makasama. Isang bagong Arven na ito—mapag-aruga at mapagmahal.
Mali man, nahiling ni Violet na sana ay huwag nang bumalik pa ang alaala ni Arven. Para habang-buhay na niyang maranasan ang pagmamahal nito…