“Hindi mo ba naiisip na baka kaya ka nalilito ay dahil mahal mo na ako at hindi mo pa alam?”
Hindi akalain ni Ivy na sa lumang bahay napagtatayuan nilang magkakaibigan ng Dreams Café ay muli niyang makikilala si Luis, ang multo na una niyang nakita noong bata pa siya, na sa kalaunan ay naging kaibigan.
Sa Dreams Café rin magsisimula ang pagkakatagpo niya sa isang tunay na pag-ibig at iba pang pangyayari na may kinalaman si Luis at sa isang nakaraang pag-ibig na hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng kasagutan…