“You’re cute and beautiful and gorgeous and amazing… and you belong to me.”
“Caramel macchiato for Miss Caramel.”
Dumeretso si Caramel sa counter ng coffee shop para kunin ang order na kape. Pero nabigla siya nang unahan ng isang lalaki sa order niya.
“Hey, that’s mine…” Muntik nang malaglag ang panga ni Caramel nang humarap ang lalaking kumuha ng kape niya. He was drop-dead gorgeous. He had perfectly angled jaws, straight nose… kissable lips… and emerald eyes.
“I know… But you wouldn’t mind if I take it from you, would you?”
Napalunok si Caramel nang salubungin ang berdeng mga mata ng estranghero.
“Silence means yes, I guess?”
Ilang segundo siyang nakatitig sa kaharap bago natauhan.
Ano, Caramel? Dahil ubod ng guwapo ang kaharap mo, ibibigay mo na sa kanya ang kape mo?
“Teka, ano… bayaran mo na lang…”
Umangat ang isang sulok ng mga labi ng kaharap. “All right, babayaran ko na lang…”
Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. He paid her with a kiss!