“A real relationship, that’s what I am craving for now. Masarap, nakakabusog at higit sa lahat, masustansiya…”
Matagal nang may hidden desire si Dyna sa boss niyang si Dash. Pero malabo pa sa hinaharap ng planetang Earth ang tsansang suklian iyon ng lalaki dahil wala itong balak magpakasal sa kahit na sinong babae.
Hanggang sa magbalik si Stefie mula sa Amerika. Si Stefie na childhood sweetheart pala ni Dash at mukhang lifelong obsession ng lalaki. Agad-agad na niyaya ni Dash si Stefie na magpakasal.
Pero biglang nag-back out ang bride-to-be. At para maibangon ang ego ni Dash, humingi ito ng tulong kay Dyna. Siya na lang daw ang magpakasal dito. Pumayag si Dyna. Pero naloko na. Dahil sa kaka-acting nilang lovebirds, natutukso na siyang gawing totohanan ang drama nila. Ang problema, nagbalik si Stefie at binabawi si Dash.
Ouch!