“Hintayin mo na lang ako
sa impiyerno...”
“Welcome to the Deadly Survival Game.”
Umalingawngaw ang nakakatakot na boses na iyon paglabas ni Dmitri Morris mula sa isang cube na pinagkulungan sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ng taong nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Hanggang sa malaman ni Dmitri kung sino-sino ang mga taong makakasama niya sa gubat. Doon lang luminaw ang lahat sa kanya.
“Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa’t mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na siguradong maglalagay sa `yo sa bingit ng kamatayan. Kaya kapag hindi mo nagawa `yon, hindi mo sila maililigtas,”
Kailangan niyang malagpasan ang isang linggong pagsubok sa kamay ng isang taong hindi niya kilala. Kailangan ni Dmitri na makaalis sa lugar na iyon bago mahuli ang lahat. Bago pa may madamay sa kasalanang nagawa niya pitong taon na ang nakalilipas...