May isang Puno sa isang bayan na hinahangaan ng mga tao dahil sa taglay nitong ganda. Isang araw may isang maliit na Halamang Gumagapang ang nakiusap sa Puno kung maaari itong gumapang sa katawan ng Puno. Nangako ang Halaman na aalis din pagsapit ng kabilugan ng buwan. Pero pagsapit ng kabilugan ng buwan ay naroon pa rin ang Halamang Gumagapang. Nakiusap ang Halaman kung puwede itong gumapang sa sanga ng Puno at nangakong aalis sa susunod na kabilugan ng buwan.
Dumating na muli ang kabilugan ng buwan, ngunit itinuloy pa rin ng Halaman ang paggapang. Hanggang sa halos ay hindi na makita ang Puno. Pati mga bulaklak nito ay hindi na rin makita.
Isang araw ay nagtungo ang taong-bayan sa kinaroroonan ng Puno. May dalang itak ang mga ito.
Ano ang mangyayari sa Puno?
There is a Tree in a certain town that is admired by the people because of its beauty. One day a tiny Crawling Plant asks the Tree if it can crawl over the Tree’s trunk. The Plant promises to leave during the full moon. But when the full moon arrives, the Crawling Plant is still there. The Plant pleads if it can crawl over the Tree’s branches and promises to leave when the next full moon comes around.
The full moon occurs again, but the Plant continues crawling. Until the Tree can no longer be seen. Even its flowers are no longer visible.
One day the townspeople go to where the Tree is located. They have brought bolos with them.
What will happen to the Tree?