Si Tatay Minggo ay may trabahong nagdadala sa kanya sa iba't ibang bansa. Marunong siyang magsalita sa iba't ibang wika at magbilang ng iba't ibang pera. Pero ang pinakamagandang bagay sa kanyang trabaho ay ang pag-uwi niya tuwing tag-araw, na may dala-dalang "mahiwagang kahon."
Ngunit bigla, isang tag-araw, hindi siya nakauwi kaya walang "mahiwagang kahon."
Alamin sa kuwentong ito kung bakit tinaguriang "Ginoong Mundo" si Tatay Minggo, kung ano ang laman ng "mahiwagang kahon," at higit sa lahat kung ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan, lalo na sa panahon ng kawalan.