Isang puno na lamang ang natitira sa siyudad. Sa punong ito nakatira sina Kuwagong Kulit, Matsing Valentin, Kikong Bayawak, Lala Paruparo, Connie Kuneho at Minyang Pusa.
Sa paligid din n puno laging naglalaro sina Estong, Mimi at Dondon.
Isang araw, isang lalaking may dalang palakol ang biglang dumating. Mayroon itong balak na hindi maganda.
Alamin sa kuwentong ito kung paano ipinagtanggol ng mga bata at ng kanilang mga kaibigang hayop ang huling puno laban sa isang mapanganib na banta-at ang isang mahalagang aral patungkol sa kapaligiran.