Luntian, Ang Bungang May Pakpak
Kuwento ni Liwliwa Malabed
Guhit ni Aaron Asis
Sa pusod ng gubat, sabik na sabik na si Luntian na lumipad. Bunga pa lamang siya ay mayroon na siyang mahalagang misyon na dapat isakatuparan. Isang misyon na may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran at pagbibigay-tahanan sa mga ibon.
Samahan si Luntian sa kanyang paglalakbay mula sa sandaling lumipad siya mula sa kanyang inang Lauan hanggang sa siya ay itanim, umusbong, at masilayan niya ang mga ibon na pinapangarap niyang mamumugad sa kanya balang-araw.
In the heart of the forest, Luntian si much too excited to fly. He is just a seed but he already has an importang mission to accomplish. A mission that has something to do with the preservation of the environment and with providing homes for birds.
Join Luntian in his journey from the moment he flies away from his mother Lauan to when he is finally planted, sprouts, and sees a flcok of birds whom he dreams of providing a home someday.