Gustong-gusto ni Miguelito ang magkaroon ng tagabulag. Magagamit niya ang tagabulag kapag tinatanong siya tungkol sa kaniyang tatay. Madalang kasi kung sumipot sa kanilang bahay ang kaniyang tatay.
Ilang araw bago maganap ang kaniyang iakasampung kaarawan, natuklasan ni Miguelito ang katotohanang kahit kailan ay hindi nila makakapiling ng kaniyang nanay ang kaniyang tatay na tulad sa isang pamilya.
Basahin sa kuwentong ito kung paano tinanggap ni Miguelito ang totoong kalagayan niya sa buhay.