“I can see myself when I’m older, I see myself by your side. Alam ko na mangyayari `yon.”
Hindi sineryoso ni Katrina ang pagtatapat noon ni Keyon na gusto siya nito. He was only fourteen then at kapatid lang ang turing niya sa binatilyo dahil sa anim na taong tanda niya rito. Hanggang kinailangang mag-migrate ng pamilya ni Katrina sa Amerika at hindi na sila nagkita pa ni Keyon.
Pero dahil sa matinding heartbreak na naranasan sa pag-ibig, umuwi siya sa Pilipinas. Nakita niya ang malaking pagbabago sa dating teenager na siya ang “first crush.” He grew into a gorgeous and seductive man.
Wala sa plano ni Katrina ang muling magmahal. Pero nagtapat na naman si Keyon na gusto pa rin siya nito hanggang ngayon. At sa matinding pang-akit na taglay ng binata ay namalayan na lang niyang nahuhulog na pala ang loob niya rito.
Pero mukhang sa ikalawang pagkakataon ay mabo- brokenhearted na naman siya. Dahil si Keyon pala ang tipo ng lalaking mabilis magbago ang isip sa mga bagay-bagay kasama na ang pakikipagrelasyon.