“Mas nasasaktan pa ako tuwing maiisip ko `yong nararamdaman mo. Kasi kung nasaktan ako, alam kong higit pa doon ang sakit na naramdaman mo.”
Celebrating her birthday with her loved ones was one of Maxpein’s best days. Masayang-masaya siya sa hindi inaasahang sorpresa ng pamilya niya. Halos kumpleto ang lahat ng malalapit kay Maxpein para samahan siya sa special day niya.
Pero napaka-unfair talaga ng buhay. Pagkatapos siyang pasayahin, dobleng sakit naman ang ibinigay sa kanya. Hindi pa kasi tapos ang mga Rewis sa paghihiganti sa kanila. And their revenge this time was too much to take… lalo na kung isa sa pamilya ni Maxpein ang puwedeng mawala sa kanila.