Zigzag by Soju - (LIB00633)
“Tumakbo ka at huwag kang lilingon!”
Sikat na travel vlogger ang kapatid ni Andrea at nawala ito sa Old Zigzag Road sa probinsiya ng Quezon.
Para mabigyan ng kasagutan ang misteryosong pagkawala ng kanyang kapatid, nagtungo si Andrea sa Quezon Province kasama ang ilang mga kaibigan.
Doon, makakaharap nila ang isang thirty feet long reticulated python na matagal nang nananalasa sa mga residente ng lugar na iyon.
Ang malaking ahas na nga ba ang kasagutang hinahanap ni Andrea o may iba pang misteryong bumabalot sa Old Zigzag Road?