"Mamamatay ang mahihina. Ito ang simula."
Ang gusto lang naman ni Yhinn ay bagong trabaho, bagong buhay at mga bagong makakasalamuha. Gusto lang naman niyang magkaro'n ng saysay ang buhay niyang unang nasira dahil sa isang bawal at nabigong pag-ibig.
Pero sa lugar kung saan akala ni Yhinn, trabaho ang ipinunta niya, ibang pangyayari pala ang sasalubong sa kanya-mga pangyayaring ni sa panaginip ay hindi niya inakalang mararanasan niya.
Kamatayan ng isa ang naging simula ng lahat, kamatayan din kaya hanggang sa wakas?