“Gusto ko na rin sanang itago na lang itong nararamdaman ko! Pero dahil sa pangungulit mo, heto, nagko-confess ako sa `yo na mahal kita!”
Isang napakalaking pagsubok para kay Aeone na itago ang tunay niyang nararamdaman para kay Keira. Hindi siya maaaring ma-in love sa kapwa niya babae!
Pero kahit anong pagpipigil ang gawin ni Aeone ay hindi talaga niya kaya. Lalo pa’t dahil lang sa isang halik ni Kiera ay tuluyan nang bumigay ang puso niya.
Pero paano na lang kung malaman ni Aeone na ang Kiera na kilala niya ay Kiefer pala sa totoong buhay?
Ang Kiefer na una niyang minahal at sinaktan siya…