Demonyo raw si Moñito. Pero bakit ipinanganak siyang walang mga sungay at walang buntot? Bakit mabait siyang bata, `di gaya ng iba? Pinagtakhan ito ng kanyang mga magulang. Ikinahiya siya, kaya ginawan siya ng mga pekeng sungay at buntot. Pero nananatili siyang mabait na bata: magalang, malinis sa katawan, at masunurin.
Papaano kung maturuan ni Moñitong maging mabuti ang lahat ng demonyo sa kanilang mundo?