Langhap, buga.
Ubo! Ubo! Ubo!
Ang mga mamamayan sa bayan ng Dalisay ay may problema: ang hanging nilalanghap nila. Alam nilang ito ay may kinalaman sa kung paano sila namumuhay. Alam nilang kasalanan nila kung bakit marumi ang hangin. Ngunit ni isa sa kanila ay walang kumikilos upang remedyuhan ang problema.
"May isang gagawa ng paraan para diya," saloob nila, kaya patuloy lang sila sa kanilang nakagawiang gawin: ang dumihan ang hangin.
Alamin sa kuwentong ito ang sanhi at bunga ng pagdumi ng hangin, at ang iba't ibang paraan para mapanatiling sariwa at malinis ang hangin sa lahat ng panahon.