“Narito na ang malaon
nang hinihintay na katotohanan sa
pagkukuwento para sa mga bata. Nabuksan
na ang takip ng balon at nilusong na ang mga
kuwentong higit na mag-aahon sa kadahupan
ng paghaharaya.”
- Christine S. Bellen, Ph.D.
Sa kauna-unahang pagkakataon, tinipon ang mga kuwentong nagsisikap na mag-alay ng bago, progresibo, radikal, at malikhaing mensahe para sa mga batang mambabasa. Inaasahan na ang mga akda rito ay magtuturo sa bata tungkol sa hustisyang panlipunan, karapatang pantao, pangangalaga sa kapaligiran, at pagkilala sa mga bayaning nagsusulong ng isang makatao at makatarungang lipunan. Hangad din ng antolohiya na bigyang-kapangyarihan ang mga bata sa pamamagitan ng pagmulat at paggabay sa kanila bilang mga mapanuring mamamayan. Inaanyayahan nito ang mga bata na hindi lamang maging tagatunghay sa mga pangyayari kundi nakikibaka at nakikisulong tungo sa pagbabago.