Pula. Bughaw. Kulay-ube. Luntian. Kayumanggi. Kulay-kahel. Kulay-rosas. Iba-iba ang kulay ng mga sisiw na ibinebenta sa harap ng simbahan. Maliban kay Didoy na dilaw pa rin, dahil nakaligtaan ni Mang Pekto na kulayan siya.
Isa sa mga batang lumapit sa mga sisiw ay si Manuel, kasama ang kanyang ina. Namangha si Manuel sa mga sisiw, lalo na kay Didoy.
Tunghayan sa kuwentong ito ang kakaibang ugnayang namagitan kina Manuel at Didoy- at isang mahalagang bagay na parehong kailangang-kailangan nila.