“Kapag ngumingiti ka, pakiramdam ko kaya kong lokohin kahit sandali ang sarili ko at magpanggap na ang ganda ng mundo.”
Hate is a superpower. Pinapalakas nito kahit ang pinakamahihinang tao. Iyon ang napatunayan ni Clarice sa paglipas ng panahon. She strived to be the best that she can be, para sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay sapat na ang kanyang bala para mapabagsak si Benedict McClennan, ang lalaking sumira sa kanyang pamilya at nagkamkam ng kanilang yaman. Pero nawawala ito. At ang isa sa mga anak nitong si Alano ang susi para matagpuan niya si Benedict.
Clarice made Alano fall for her. It was supposed to be easy. Pero hindi. Dahil ibang-iba ang lalaki sa ama nitong kinasusuklaman niya nang husto. She couldn’t make him fall for her without her falling for him as well. Paano na ang hustisyang labing-anim na taon na niyang ipinaglalaban? Will she ever have her mission accomplished?