“`Wag ka nang umiyak, nanghihina ako.”
Life must go on, iyan ang ipinakita ni Deib nang ilang buwan na ay hindi pa rin bumabalik si Maxpein. Hindi lang iyon, mas pinagbutihan niya ang pag-aaral kaya nakasama siya sa mga estudyanteng makaka-graduate sa taong iyon. Pero kahit ipinapakita ni Deib na okay siya, may bahagi pa rin sa puso niya ang nalulungkot, lalo na’t hindi niya makakasama si Maxpein sa araw ng graduation.
But the unexpected happened. Knowing Maxpein, palagi itong gumagawa ng mga bagay na hindi mo ine-expect. Bumalik ang babae sa mismong araw ng graduation niya!
Masaya na sana uli si Deib. Pero bakit ganoon? Bakit parang wala lang kay Maxpein na basta na lang siya nitong iniwan? Ganoon na lang ba talaga iyon?