“Handa na akong maging Superman ng taong mahal ko...”
What happens when a prankster meets his match?
Ito ang naging problema ni Kale nang makilala ang lalaking sumulot sa ex-girlfriend niya, ang old-fashioned at mapamahiing si Mason James Domingo. The plan was simple enough at first: dress up as a girl, get all dolled up, at paibigin ang walang kamalay-malay na bagong manager ng Crunch Time Café bilang ang huwad na Iris, and in the process ay maibulgar sa lahat ang totoong pagkatao nito.
Because surely, nobody could be that perfect! Kahit na nga kapa na lang yata ang kulang at mapagkakamalan nang si Superman ang imported na bagong salta.
Ang gusto lang naman ni Kale ay siraan ang lalaking ikinumpara sa kanya ng babaeng dumurog sa puso niya.
Ano ba naman ang malay niya na may gayuma pala ultimo hininga ni Mason?