Paano kung isang gabi ay aksidente mong masaksihan ang pang-a-ambush ng masasamang tao sa isang prinsipe? Paano kung dahil sa 'busilak mong kalooban' ay iniligtas mo siya sa kapahamakan kahit na buhay mo ang kapalit? At paano kung paggising mo sa ospital ay sinalubong ka ng matatamis na ngiti ng mga magulang nito at sinabing ikakasal na kayo ng prinsipeng iyon?
Sundan ang kuwento ni Redentor Guevarra na sa hindi inaasahang pangyayaring may bahid ng mahika at alamat ay matatali sa isang prinsipeng ayaw namang magpatali.