Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

1

CBK00426 - Ang Pangat, Ang Lupang Ninuno, at Ang Ilog

price
PHP 99.75
AVAILABLE ON STOCKS
AVAILABLE
Author
Luz B. Maranan
Weight
97g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media
  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

Ang maikling kuwentong ito ay umiinog sa buhay ni Macliing Dulag, isang Pangat o katutubong pinuno sa Kaiinga, sa rehiyon ng Kordilyera sa Hilagang Luzon ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng salaysay ni Apong Chumallig, na siyang paboritong taga-kuwento ng mga bata sa ili o nayon, malalaman nila ang naging buhay ni Macliing Dulag, at kung paano niya pinamunuan ang pagtutol at paglaban ng mga tribung Bontok at Kaiinga laban sa dam (dambuhalang imbakan ng tubig) na itatayo sana sa llog Chico na dumadaloy sa kahabaan ng kabundukang Kordilyera.

Matiyagang binalikan ng matanda ang naging buhay ng kanyang kababatang si Macliing. Sa pamamagitan ng kanyang salaysay, mauunawaan ng mga bata kung paano nahubog ang pagkatao ng pangat mula sa pagkabata nito, ang mga karanasan bilang binata at hanggang nagka-pamilya at naging pinuno ng pamayanan at tribu.

Ang pinakamahalagang bahagi ng salaysay ni Apong Chumallig na kinasabikan ng mga bata ay ang pagharap ni Macliing sa mga makapangyarihang tauhan ng gobyerno at mga sundalo noong panahon ng Batas Militar, at kung paano siya nanatiling matatag sa paninindigang tutulan ang dam sa kabila ng pananakot at panunuhol sa kanya.

Labis ang tuwa ng mga bata sa paliwanag ng matanda na sa kabila ng kawalan ng edukasyon at kayamanan, napagkaisa ni Macliing ang mga tribu sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob nilang lumaban upang ipagtanggol ang kanilang buhay, pamayanan at lupa. Nagbigay-inspirasyon sa mga bata nang malaman nilang ang mga magulang nila ay naging bahagi ng magiting na pagpupunyagi ng mga tribu na ihinto ang mapanirang proyekto.

Mauunawaan ng mga bata ang ibig sabihin ng kabayanihan at kahalagahan ng pagpapahalaga at pagtatanggol sa lupang ninuno.

Recommendations

Total Price: PHP 304.00

WAL00003 - Wanderlust Series: Sagada Clouds 3: Tears, PHP 85.00

DRC00003 - Dreams Cafe Book 3: Dreamscape, PHP 40.00

RR00050 - Her Secret Life, PHP 179.00

Customer Who Bought this Also Bought

Order Now

PHP 99.75
Quantity

Top Seller


SiteLock