“Hindi ko alam kung ano’ng meron sa `yo. Pero ang lakas ng tibok ng puso mo. At masarap iyon sa pandinig.”
Nagising na lang si Maia isang umaga na may mga pagbabagong nagaganap sa kanyang sarili, gaya ng hindi mapaniwalaang pagkauhaw sa ibang uri ng likido: ang dugo.
At isang manggagaway ang ipinagpipilitang mayroon siyang dugong bampira.
In her quest to find out the mystery behind her true identity, Maia met Niall. Guwapo, matangkad, kulay-kalawang ang nakapusod na buhok, light brown ang mga mata na para bang punong-puno ng kapilyuhan habang nakatitig sa kanya, matangos ang aristokratong ilong, malarosas ang maninipis na labi, moreno, maganda ang tindig at pangangatawan.
Sa unang paglalapat ng kanilang mga balat ay narinig ni Maia ang tibok ng puso ni Niall. Mistulang musika iyon na kumakalma sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao.
“You startled the hell out of me from the very first time I saw you. And now that you’re here, now that you’re finally in my arms, I don’t think I can ever let you go again, Maia. I know this may sound completely absurd to you but every fiber of my body is dying to kiss you… to take you.”
Pakiramdam ni Maia ay may namuong bola ng apoy sa kanyang dibdib. Nang hagkan siya ni Niall ay tila wala nang bukas, na para bang gusto siya nitong angkinin. At siya naman ay gusto ring magpaangkin.
Pero isang araw ay may nangyari para ilayo niya ang sarili kay Niall. Natagpuang patay ang kanyang ama at siya ang itinuturong salarin. Sa pagprotekta niya sa sarili ay maraming inosenteng tao ang nadamay. Itinuring siyang masamang tao, isang kriminal. Tinugis siya ng batas, dead or alive.
Is Niall’s love strong enough to save her?