“Masaya ako na sa `yo nahulog ang loob ko.”
Fictionzoned. Iyon daw ang tawag sa mga kagaya ni Kirshen na nai-in love sa mga fictional hero. Pero wala siyang pakialam. Masaya na siyang magmahal ng isang fictional character.
Hanggang sa sabihin ni Ate Blaine—ang kaibigan niyang romance writer na lumikha sa character ni Charlie—na may Charlie talaga sa totoong buhay. At para maniwala siya ay ipinakilala nito sa kanya ang lalaki.
And so she came face-to-face with the real Charlie. Ang Charlie na nasa cover ng libro ay kapareho ng mukhang nasa harap niya!
She was fascinated with him. Sinusundan-sundan pa niya ang lalaki saan man ito magpunta. Pero nuknukan ito ng suplado. Palagi siyang itinataboy ni Charlie kapag nakikita siya.
“Kung magkakagusto ka sa `kin, siguruhin mo lang na dahil gusto mo nga talaga ako at hindi lang dahil nakikita mo ang favorite hero mo sa akin. Masakit `yon, Kirshen.”
Hmm... may pag-asa!