I. Gamit sa Patnubay ng Guro
A. Gamit Bilang Panimulang Gawain Bago Ituro ang Isang Paksa:
-
Pumili ng angkop na card batay sa paksang tatalakayin.
-
Ipasagot ito sa mga mag-aaral upang masukat ang kanilang paunang kaalaman.
-
Talakayin ang mga sagot bilang bahagi ng pagpapakilala sa bagong aralin.
-
Gamitin ang mga sagot bilang batayan para matukoy kung aling konsepto ang kailangang mas pagtuunan ng pansin.
B. Gamit Bilang Pangwakas na Gawain Pagkatapos Ituro ang Isang Paksa:
-
Pumili ng card na tumutugma sa araling tinalakay.
-
Ipasagot ito sa mga mag-aaral para masukat ang kanilang pang-unawa.
-
Iwasto ang mga sagot at talakayin ang mga maling sagot para matiyak ang tamang pagkatuto.
-
Gamitin ito bilang formative assessment para malaman kung handa na ang mga mag-aaral sa susunod na paksa.
C. Gamit sa Pangkatang Gawain o Interaktibong Aktibidad:
-
Hatiin ang klase sa maliliit na grupo.
-
Magbigay ng isang set ng mga card sa bawat grupo at ipasagot ang mga ito sa kanila.
-
Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi sa bawat tanong bago pumili ng sagot.
-
Talakayin ang sagot ng bawat grupo para mapalalim ang pagkatuto sa pamamagitan ng kolaborasyon.
D. Gamit ng Guro Bilang Pantulong sa Pagtuturo:
-
Isama ang mga card bilang bahagi ng talakayan sa klase.
-
Gumamit ng card para bigyan ng aktibong pagsasanay ang mga mag-aaral sa loob ng aralin.
-
Gawing interaktibo ang pagtuturo sa pamamagitan ng pagsagot sa kard bilang isang klase o pangkatang aktibidad.
E. Gamit sa Pagsubaybay sa Pag-unlad ng mga Mag-aaral:
-
Gumamit ng kaparehong set ng cards sa iba’t ibang bahagi ng taon upang makita ang antas ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.
-
Itala ang resulta ng bawat pagsagot para makita ang mga paksa na nangangailangan ng higit pang pagsasanay.
-
Gamitin ang mga card bilang pre-assessment tool upang malaman kung handa na ang mag-aaral sa susunod na antas.
II. Gamit sa Patnubay ng Magulang o Tagapag-alaga
A. Gamit sa Pag-aaral sa Bahay:
-
Magsimula sa antas at bilang ng card na itinalaga ng magulang o tagapag-alaga.
-
Iwasto ang mga sagot sa papel gamit ang talaan ng mga sagot.
-
Balikan ang mga maling sagot at subukang muli.
-
Kapag mali pa rin ang sagot, maaaring magtanong ang mag-aaral sa guro o
balikan at sagutan ang mga naunang card.
B. Gamit sa Remediation o Pagpapalawak ng Kaalaman:
-
Pumili ng card na angkop sa antas ng pangangailangan ng mag-aaral.
-
Para sa mga nangangailangan ng dagdag na suporta, simulang muli sa mas
madaling card bago lumipat sa mas mahirap na lebel.
-
Para sa mga mabilis matuto, maaaring gumamit ng mas mataas na antas ng card
bilang hamon sa kanilang kasanayan.
-
Palaging gamitin ang mga card para mapanatili at mapalawak ang kaalaman ng
mga mag-aaral.
III. Para sa Sariling Paggamit ng M ag-aaral
A. Gamit sa Paaralan:
-
Magsimula sa antas at bilang ng card na itinalaga ng guro.
-
Iwasto ang mga sagot sa papel gamit ang talaan ng mga sagot.
-
Balikan ang mga maling sagot at subukang muli.
-
Kapag mali pa rin ang sagot, maaaring magtanong sa guro o balikan at sagutan ang
mga naunang card.
B. Gamit sa Bahay:
-
Magsimula sa antas at bilang ng card na itinalaga ng magulang o tagapag-alaga.
-
Iwasto ang mga sagot sa papel gamit ang talaan ng mga sagot.
-
Balikan ang mga maling sagot at subukang muli.
-
Kapag mali pa rin ang sagot, maaaring humingi ng tulong sa
magulang o balikan at sagutan ang mga naunang card.
You may browse our latest release of Math-Talas here.