The First Star

price
PHP 84.75
Author(s)
Kuwento ni Pamela D. Imperial

The First Star

Noong unang panahon, si Buwan lamang ang nag-iisang liwanag sa madilim na kalangitan. Mula sa pinakamataas na sanga ng isang puno, nakilala ni Buwan si Bulilit, isang munting agila.

 

Parehong malungkot at nag-iisa sina Buwan at Bulilit. Sila'y naging matalik na magkaibigan. Sa paglipas ng mga taon, nasaksihan ni Buwan ang maraming pagbabago sa buhay ni Bulilit. Mula sa isang lampang ibon, si Bulilit ay naging pumapaimbulog na agila, may asawa at mga inakay.

 

Sa piling ni Buwan, tumanda nang masaya si Bulilit. Nang pumanaw ang agila, nag-iwan siya ng isang napakahalagang alaala—tanda na kahit kailan ay hindi na muling mag-iisa si Buwan sa kalangitan.

 

Kuwento ni Pamela D. Imperial

Guhit ni Joffrey Z. Atienza 

social media